l
Ang pagyakap sa islam ay nagdudulot ng napakaraming pakinabang sa isang tao at sa sambayanan. Yamang ang Islam ay nakabatay sa makadyos na mga batayan at basehan, kami ay magbabanggit ng mga katibayan para sa bawat kabutihang walang maaring magkaloob ng mga ito maliban sa ating Dakilang Tagapaglikha.
1- Ang Pinto Patungo sa Walang hanggang Paraiso:
Sinabi ng ating Dakilang Tagapaglikha: {Datapwa’t ihatid ang magandang balita sa mga sumasampalataya at nagsisigawa ng kabutihan, na para sa kanila ay mga Halamanan [sa Paraiso] na sa ilalim nito ay mga ilog na nagsisidaloy..} [Qur’an: 2:25]. Kapag ikaw ay nakapasok sa Paraiso, ikaw ay mamumuhay ng masagana, walang pagkakasakit, lungkot, at kamatayan; masisiyahan sa iyo ang Diyos at Kanyang ipagkaloob sa iyo ang buhay na walang hanggang.
2- Ang Tunay na Kaligayahan at kapayapaan:
Ang tunay na kaligayahan at kapayapaan ay matatagpuan lamang sa pamamagitan ng pagsunod sa mga kautusan ng Dakilang Tagapaglikha na Siyang Nangangasiwa sa buong sanlibutan. Sinabi n gating Tagapaglikha: {.. Na kung kaya, hindi ba sa pag-alaala sa Allâh ay sanhi ng pagkakapanatag ng mga kalooban.}. Qur’an 13:28]. At sa kabilang dako, sinuman ang tumalikod sa Qur’an ay mamumuhay ng masalimuot sa Mundo. Ang ating Tagapaglikha ay nagwika: { At sinuman ang tumalikod sa Pag-alaala sa Akin sa pamamagitan ng di-paniniwala sa Qur’ân, walang pag-aalinlangan, siya ay magkakaroon ng masalimuot na pamumuhay dito sa daigdig..} [Qur’an 20:124].
3- Kaligtasan mula sa Impiyernong Apoy:
Ang Panginoong natin Tagapaglikha ay nagwika: { Katotohanan, yaong mga hindi sumasampalata at namatay habang sila ay hindi nananampalataya, ang (buong) kalupaan na tigib ng ginto ay hindi tatanggapin kahit kaninuman mula sa kanila, kahit na ito ay (kanilang) ialay bilang isang pantubos. Para sa kanila ay isang masakit na kaparusahan at sila ay walang magiging kawaksi.} [Qur’an 3:91}
Kung kaya’t ang ating buhay sa mundo ang tanging pagkakataon lamang upang ating makamit ang Paraiso at makaligtas mula sa Impiyerno, sapagka’t kung ang isang tao ay namatay sa kawalang paniniwala, siya ay wala nang pagkakataong bumalik sa daigdig upang maniwala.
4- Kapatawaran sa Lahat ng Nakalipas na mga Kasalanan:
Karamihan sa mga tao ay naguguluhan at nakakaramdam ng hiya dahil sa dami ng mga kasalanang kanilang nagawa sa buhay. Ang pagyakap sa Islam ay nabubura ang lahat ng mga nakalipas na mga kasalanan, ito ay parang hindi niya nagawa. Ang bagong Muslim ay dalisay na katulad ng bagong silang na sanggol. Ang ating Dakilang Tagapaglikha ay nagwika: { Sabihin mo, O Muhammad, sa mga tumanggi at di naniwala: “Kapag sila ay tumigil mula sa ‘Kufr’ (pagtanggi sa paniniwala), ay patatawarin ng Allâh sa kanila ang anuman na nagawa nilang mga kasalanan, “At kung sila ay babalik (sa kawalang pananampalataya) ay walang pag-aalinlangang nakalipas na ang pamamaraan ng mga naunang tao, na sila ay tumanggi at nagpatuloy sila sa kanilang pagtanggi, na kung kaya, kaagad Namin silang pinarusahan.} [Qur’an 8:38]
5- Deriktang Ugnayan sa ating Dakilang Tagapaglikha (malayo sa anumang tagapamagitan):
Ang Islam ay deriktang ugnayan sa pagitan ng tao at sa Dakilang Tagapaglikha, tayo ay nanalangin sa Kanya nang walang tagapamagitan at tayo ay Kanyang tinutugan. Sinabi ng ating Dakilang tagapaglikha: { At kung ang Aking mga alipin ay magtanong sa iyo (O Muhammad) tungkol sa Akin, kung gayon (sila ay iyong sagutin): “Tunay na Ako ay malapit (sa kanila); Ako ay tumutugon sa panawagan ng bawat nananawagan kung siya ay tumatawag sa Akin.” Hayaan ding sila ay tumalima sa Akin at manampalataya sa Akin; upang sila ay magsitahak sa tuwid na landas.} [Qur’an 2:186]
Para po sa karagdagang benepisyo o mga katanungan, kayo po ay makipagchat sa amin.